Thursday, February 26, 2009

Filipino Films At It's Finest? Bwahahaha!

I just woke up this morning, haggard and still thirsty for more sleep. But as I checked new post, I need to share with you a funny antics on how to know if you are watching Filipino films. I laughed my heart out on this, truly a reflection of how Filipino Films are made and till now it haven't changed except for few talented scriptwriters and directors that were trying hard to upgrade the quality of our films. This is a repost from Adrian.


1. Pag nasa beach yung scene, sasayaw ang cast sa likod ng puno ng buko at alternate pa yung mga ulo nila.



2. Yung kontrabida na kunyaring friend yayakap sa bida, sabay taas ng kilay at ngingisi.



3. Ang pancit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pancit para sa kanyang nanay na palaging si Anita Linda. Tatawagin nito ang mga bata para kumain, at kakamustahin ng bida ang pag-aaral habang kumakain ng pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng baril ang pamilya! Mamamatay si Anita Linda, at sisigaw ang bida ng "Inaaay!" at mangangakong ipaghihiganti ito. Moral of the story:

Ang pancit, nakakamatay.

4. Pag may magkaribal na babae, yung mabait diretcho ang buhok at may bangs.

Yung salbahe, laging kulot.

5. Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.

6. Sa pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida at binabaril ng kalaban, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.

7. Kapag may angry mob na pupunta sa bahaykubo ng manananggal, si Vangie Labalan lagi ang leader.

8. Alam mong moment of truth na ng bida kapag sinabi na niya yung title ng pelikula.

9. Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, "Mga bata."

10. Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro ng bola, mabibitawan at mapupunta sa gitna ng kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos itutulak siya ng bida. Yung bida naman ang nasa gita ng kalsada habang padating pa rin yung sasakyan. Ang bida, ico-cross lang ang arms niya to cover his face tapos sisigaw yung kapatd ng 'kuyaaa!'.

Next scene nasa ospital na sila. Simula na ng drama.

11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero umaaray siya pag ginagamot na siya ng leading lady, at kasunod na ang love scene.

12. Kapag may sinabi ng kontrabida ang masama niyang plano sa bida, ang sasabihin lagi ng bida: "hayop ka!"

13. Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong madi-discover na anak pala ng amo niya sa ending.

14. Ang nanay ng mayaman, laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay ng mahirap naman laging naka duster.

15. Ang hideout ng kontrabida, parating mansion na may chicks sa pool.

16. Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang balita, laging may pinto sa likod nila para puwede silang sumandal habang nagsa-slide dahan-dahan, tapos todo iyak with matching uhog.

17. Pag di nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, "Mga inutil!"

18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.

19. Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa kontrabidang anak ng amo niya.

20. Pag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach o resort, ang huling frame, tatalon ang buong cast...sabay freeze! (Winner)