Ilang tulog na lang at muling madadagdagan ng taon ang aking edad...
Minsan ay naiiisip ko na dapat ba akong matakot o dapat akong magdiwang...
Pareho ang aking nararamdaman... Takot at Saya... Takot dahil parang kailan lang ay nakabukas ang mga palad ko para humingi ng baon sa skwela, at ang Mama ko naman ay daghang ngumiti at tumawad na "pwede bang biente na lang muna" ang ibigay niya sa akin... "Opo!" ang sagot ko... Ngunit ngayon, Isa na akong ma-ma...hindi na totoy....
Saya dahil binigyan ako ng pagkakataon na makita ang mundo, maramdamang magmahal, masaktan, magkasakit, magtagumpay at mabigo...
Anuman ang mangyari... masaya ang mabuhay... masayang maramdamang umiikot ang mundo... Dahil dito masusukat ang ating pagkatao... Kung pano natin haharapin ang buhay... Ang bukas...
No comments:
Post a Comment